top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

IÑIGO, NAKA-QUARANTINE

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 29, 2021
1 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | January 29, 2021





Dumating na sa bansa si Iñigo Pascual galing Amerika kung saan siya nagselebra ng Pasko at Bagong Taon dahil matagal din niyang hindi nakasama ang pamilya niya roon kung saan siya lumaki.


Kasalukuyang naka-home quarantine si Iñigo alinsunod sa health protocols ng IATF at pagkatapos ng dalawang linggo ay balik-trabaho na siya.


Sa darating na Pebrero 5, Biyernes, ilalabas ni Iñigo ang version niya ng awiting All Out of Love, ang sumikat na kanta ng Air Supply noong 1980 sa buong mundo.


Ramdam kay Iñigo ang emosyong iniwan ng minamahal sa bagong pop version ng kanta na may tunog rap ballad hatid ng music producer na si Moophs gamit ang gitara.


Ang nasabing awitin ang una sa series ng Air Supply remake na nakatakdang gawin ng ABS-CBN Music sa ilalim ng Tarsier Records ngayong 2021. Alinsunod din ito sa inaabangang Valentine’s Day US campaign ng Air Supply.


Ang All Out of Love na nga ang latest collaboration nina Iñigo at Moophs, na kamakailan ay naglabas ng dancehall-pop tune na Always na naging bahagi ng The 100 Best Songs of 2020 ng Apple Music.


Kabilang din ang dalawa sa awiting RISE tampok ang international artists na sina Eric Bellinger (USA), Sam Concepcion (PH), Zee Avi (Malaysia), at Vince Nantes (USA).


Sila rin ang nasa likod ng awiting Catching Feelings na meron nang higit sa 10 million streams sa Spotify at 100K dance challenge entries sa iba’t ibang social media platforms.


Patuloy si Iñigo sa pagtataguyod ng kanyang musika sa global stage lalo na’t inaabangan ang ilalabas niyang Options album ngayong 2021 na nagtatampok sa mga kolaborasyon niya kasama ang iba’t ibang international artists.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page