top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Iyak nang iyak, pahiwatig na sasaya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 18, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 18, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Yolanda ng Romblon.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na iyak ako nang iyak, tapos napansin ko ang orasan namin na halos 15 minutes na pala akong umiiyak. Sobrang lungkot ko. Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?

Naghihintay,


Yolanda


Sa iyo, Yolanda,


Kabaligtaran ang ibig sabihin ng panaginip mo. Ang pag-iyak mo sa panaginip mo na halos inabot ka ng 15 minutes ay nangangahulugang magiging masaya ang susunod na mga araw sa buhay mo. Mapapawi na ang lungkot mo at mapapalitan ka ng kaligayahan. Ganyan din ang ibig sabihin ng sobrang lungkot mo.


‘Yung orasan naman ay nangangahulugan ng kasaganaan at mga pagpapala sa iyong buhay.


Kung may negosyo ka, kikita ito ng higit pa sa inaasahan mo. Buti na lang, hindi tumigil ang orasan sa panaginip mo dahil kung huminto ito, ito ay nangangahulugang hindi mo makakamit ang inaasahang kasaganaan at mga pagpapala sa buhay.



Matapat na sumasaiyo,


Maestra Estrellia De Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page