top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Iwasan ang COVID-19 surge, magpabakuna na

BULGAR
Jul 13, 2022
2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | July 13, 2022


Sa kasalukuyan, muling dumaranas ang bansa ng surge sa kaso ng COVID-19.


Ayon sa Department of Health, nasa 1,535 kaso ang average new daily infections natin, na mas mataas sa 1,009 kaso na naitala sa nakaraang linggo.


Ibinalita noong Linggo na nasa 13,818 ang total active infections pagkatapos magtala ng 2,018 dagdag na kaso.

☻☻☻


Hinihikayat natin ang mga kababayan natin na magpabakuna ng booster shot upang magkaroon ng dagdag-proteksyon laban sa COVID-19.


Nasa 55 milyong Pilipino ang maaaring kumuha ng booster, ngunit 15.2 milyon pa lang ng kababayan natin ang nagpa-booster.


Ibig sabihin, nasa 40 milyong Pilipino pa ang maaaring makinabang sa booster shot.

Ang sabi ni infectious disease specialist Dr. Rontgene Solante, nagkaroon ng “vaccine complacency” ang mga kababayan natin dahil sa pagbaba ng kaso ng COVID-19 pagkatapos ng surge noong Enero.


Hindi na rin daw ikinakatakot ng mga tao ang magkasakit ngayon dahil hindi naman nagdudulot ng malubhang sakit ang Omicron variant.


☻☻☻


Kung magtatagumpay ang bagong administrasyon sa plano nitong mapataas ang bilang ng mga nagpapa-booster upang makagawa ng “wall of immunity”, kailangang mag-focus ang pamahalaan sa pagtugon sa vaccine complacency.


Kailangan ng matinding “community engagement” upang maidiin sa mga kababayan natin ang kahalagahan ng booster shot.


Sa layuning ito, mahalaga ang papel ng mga local government unit sa pagkumbinse sa mga kababayan natin dahil sa pamilyaridad nila sa mga pamayanan.


Umaasa tayong magtutulungan ang pambansang pamahalaan at mga LGU upang masiguro ang kaligtasan ng sambayanan.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page