top of page

Ivana Alawi, umaming may jowa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 5, 2024
  • 1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 5, 2023





Ginulat nga ng Kapamilya actress na si Ivana Alawi ang madlang pipol ng aminin nitong nakaalis na siya sa kanyang single era at nasa isang masayang relasyon sa non-showbiz boyfriend.


Inamin ng aktres sa isang panayam na kauusbong pa lang ng kanilang relasyon.


Sey ng aktres, “My heart is happy. Ayaw ko namang sabihin na super happy, kasi syempre, start pa lang. So, happy.”


Wala namang binigay na ibang detalye ang aktres tungkol sa kanyang jowa dahil gusto raw nito ng pribadong relasyon.


Pagbabahagi nito, selosa raw kasi siya kaya aware siyang hindi magwo-work kapag kapwa niya artista ang magiging partner.


Saad nito, “Alam mo ang nagustuhan ko? Wala siyang kayabang-yabang."


'Yon daw talaga ang bet na bet niya dito dahil ayaw niya sa mayabang.


Aprub naman ang pamilya ng aktres sa bagong tao sa buhay niya at nagbigay pa raw ng advice ang kanyang ina na 'wag niyang ibigay ang lahat.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page