Itinadhana raw talaga, Mavy… ‘K’ TATTOO NI KOBE, PARA RAW KAY KYLINE
- BULGAR
- Aug 1, 2024
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 1, 2024

Hindi pa magkakilala noon sina Kobe Paras at Kyline Alcantara pero nagtataka ang marami kung bakit may letter ‘K’ na tattoo sa braso ni Kobe.
Maging si Kobe ay nagtataka kung paano siya nagkaroon ng tattoo na letter ‘K’?
Sey naman ng mga fans ng basketball player, baka sadyang destiny at itinadhana ang letter "K" na tattoo ni Kobe. Baka sila raw ni Kyline ang nakalaan para sa isa’t isa.
May ilang netizens naman ang nagpapayo sa aktres na dapat niyang alagaan ang relasyon nila ni Kobe upang sila ay magtagal.
Well, boyfriend material ang poging anak ni Benjie Paras at marami ang nangangarap na kababaihan na mapansin sila ng binata. Sadyang masuwerte lang si Kyline Alcantara at siya ang nagustuhan ni Kobe.
Natatameme na lang… KIM, INSECURE SA MGA INGLESERA

Ang bibo ni Kim Chiu kapag nagho-host sa It’s Showtime. Kaya niyang makipagsabayan sa mga jokes nina Vice Ganda, Anne Curtis, Jhong Hilario at Vhong Navarro.
Noong kasagsagan ng breakup nila ni Xian Lim, hindi siya kinakitaan ng lungkot, kaya marami ang humanga sa kanyang katatagan.
Pati nga si Vice ay napabilib kay Kim. Natanong tuloy ni Vice ang aktres kung nakakaramdam siya ng insecurity sa kapwa niya artista na may sarili nang pamilya ngayon.
Pag-amin ni Kim, insecure siya kapag may nakakausap na magaling magsalita ng Ingles. Nahihiya at natatameme siya kapag English na ang ginagamit ng mga taong kausap niya. Nakakaintindi naman siya ng English, pero ‘yung standard lang at hindi malalim.
Proud na proud si Richard Gomez sa anak nila ni Lucy Torres na si Juliana Marie Beatriz T. Gomez.
Nagtapos ang kanilang panganay na cum laude sa University of the Philippines (UP) sa kursong Public Administration.
Bukod sa pagiging matalino ay mahusay din sa fencing si Juliana, kaya sobrang proud ang parents niyang sina Congw. Lucy Torres at Ormoc Mayor Richard Gomez.
Nagpapasalamat si Goma sa lahat ng bumati sa pagtatapos ng kanyang anak at sinabing ang talino ni Juliana ay namana nito sa kanyang ina. Ayaw ni Richard Gomez na kunin ang kredito sa pagtatapos ng anak.
Well, lumaking mabait at matalino si Juliana Gomez, hindi ito spoiled brat.








Comments