top of page

Italya swak na sa q'finals, Aussie, pinisak ang Georgia

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 5, 2023
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | September 4, 2023


ree

Nakamit ng Italya ang isa sa mga nalalabing upuan sa quarterfinals ng 2023 FIBA World Cup matapos nila pauwiin ang Puerto Rico, 73-57, sa huling araw ng Round Two kahapon sa Araneta Coliseum. Winakasan din ng positibo ng Montenegro at Australia ang kanilang partisipasyon sa magkahiwalay na panalo sa kabilang mga palaruan.


Taglay lang ang maliit na 51-47 bentahe papasok sa huling quarter, ibinuhos ng mga Italyano ang unang walong puntos upang lalong lumayo, 59-47. Sumapat na iyon at inalagaan ang lamang na nararapat na tinuldukan ng three-points ni Simone Fontecchio na 32 segundong nalalabi.


Nanguna sa Italya sina Giampaolo Ricci at Stefano Tonut na parehong may tig-15 puntos. Sumunod si Fontecchio na may 12 at umakyat sila sa 4-1 panalo-talo habang 3-2 ang Puerto Rico.


Nasayang ang 13 puntos ni Tremont Waters para sa Puerto Rico. Hihintayin na nila kung makakapasok sila sa Paris Olympics bilang isa sa dalawang kinatawan ng Hilaga at Timog Amerika.


Sa Mall of Asia Arena, ginulat ng Montenegro ang bigating Gresya, 73-69. Lamang ng buong 40 minuto ang mga Montenegrin at umabot ng 60-46 ang kanilang bago tinabasan ito ng mga Griyego sa huling 7 minuto.


Bumida sa Montenegro si Nikola Vucevic na may 19 puntos. Ito na ang pangatlong tagumpay ng bansa sa kanilang nang sabak sa World Cup habang 2-3 ang mga Griyego na walang naipanalo sa Round Two.


Sa Okinawa, Japan, pinisak ng Australia ang Georgia, 100-84, subalit hindi tutuloy sa quarterfinals ang Boomers kahit sila ang may pinakamaraming NBA player sa labas ng Team USA. Pumukol ng 19 puntos si Patty Mills para sa kartadang 3-2 habang 2-3 ang Georgia na kumuha ng 20 puntos mula kay Goga Bitadze.

Tinapos ng Gilas Pilipinas ang kanilang kampanya sa 2023 FIBA World Cup sa bisa ng paggapi sa China sa classification round noong Sabado ng gabi sa Araneta Coliseum na sinaksihan ng 11,080 mga Filipino basketball fans.

Ang panalo ng Gilas Pilipinas ang una nitong FIBA World Cup home win kasunod ng 0-8 na pagtatapos noong 1978 at ng panimulang 0-4 na rekord nila ngayong 2023.


At dahil tumapos silang pangalawa sa Group M, nagkamit din ang Gilas ng tsansang makapaglaro sa Olympic Qualifying Tournament (OQT) na gaganapin sa Hulyo ng susunod na taon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page