top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Istayl ng aktres, bulok na raw…

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 15, 2020
  • 1 min read

RELASYONG ANGELICA-ZANJOE, GIMIK LANG PARA SA SERYENG BAGSAK ANG RATINGS

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 15, 2020




Bagama't may mga natutuwa at kinikilig sa napapabalitang pagkakadebelopan daw ngayon nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo dahil sa pagsasama nila sa seryeng Walang Hanggang Paalam, may mga duda naman at ayaw maniwala.

Kilala raw kasi si Angelica na mahilig sa promo lalo't hindi raw pumapalo sa rating ang kanyang teleserye.


Sey ng isang netizen, “Promo na naman.... Galawang Angelica. Always promo time."


Sagot naman ng isa, "Mukhang mahina ang serye nila, idinadaan sa promo.”


“Anong mukhang mahina? Waley talaga. Less than 1K views lang sila sa YouTube. Lol,” dagdag ng isa pa.


Ipinagtanggol naman si Angelica ng kanyang supporter.


“Ang pait mo, baks! 'Di naman siya ang nag-start ng rumor na nagkakadebelopan.”


Nagsimula ang pagli-link kina Angelica at Zanjoe matapos magbigay ng clue ang kaibigan ng aktres na si Glaiza de Castro na may nagke-care na ngayon sa una.


Kaya lang, may non-showbiz girlfriend daw si Zanjoe na isang mahusay na surfer.


“Going strong pa rin si Zanjoe and Josie. Hindi sila. Low profile ngayon si Angge sa love life niya which is good.”


Reaksiyon naman ng isa pa na sanay na sa style ni Angelica, “Ayan na naman si Angge, pa-fall kaagad, tapos 'pag hindi nag-work, todo-emote 'pag na-hurt dahil umasa siya na may something na.”


Ilang taon na rin namang loveless si Angelica. Kung hindi man niya inilalantad ang boyfriend niya ngayon, it’s her choice.


Anyway, she deserves to be happy naman.

Comments

Couldn’t Load Comments
It looks like there was a technical problem. Try reconnecting or refreshing the page.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page