Israel, oks sa usapang tigil-putukan
- BULGAR
- Aug 9, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel @Overseas News | August 9, 2024

Sumagot ang Israel sa mga mediators mula sa Qatar, Egypt, at U.S. nitong maagang bahagi ng Biyernes, na nagsasabing magpapadala sila ng delegasyon upang ipagpatuloy ang pag-uusap tungkol sa isang kasunduan para sa tigil-putukan sa Gaza sa Agosto 15.
Sinabi ng opisina ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa isang pahayag na magpapadala siya ng negotiation team upang tapusin ang mga detalye para sa pagpapatupad ng framework agreement.
Noong Huwebes, hinimok ng mga pinuno ng Egypt, Qatar, at United States ang Israel at Hamas na huwag nang mag-aksaya pa ng oras upang tapusin ang kasunduan sa tigil-putukan at ipagpatuloy ang pag-uusap sa Agosto 15.
Sa pahayag, nakasaad na, "[the ceasefire agreement] is now on the table with only the details of implementation left to conclude."
"There is no further time to waste nor excuses from any party for further delay. It is time to release the hostages, begin the ceasefire, and implement this agreement," sabi ng tatlong mediators sa pahayag.








Comments