Isolation facility sa ‘Pinas, marami pang bakante
- BULGAR

- Jul 13, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | July 13, 2020

Ibinahagi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na marami pang available isolation facility para sa COVID-19 patients.
Ayon sa kaniya, marami pang available na maaaring paglagyan ng mga mild at asymptomatic cases. Sa mga isolation facility sa mga local government unit (LGU), ang occupancy rate ay 25%, samantala, sa national government naman ay nasa 38%.
Bukod pa rito, sinabi rin niya na sa ilalim ng “COVID-Ligtas” facility, mayroon pa itong 52,223 bakanteng hospital bed mula sa 70,079, habang sa national government-run facility “Mega Ligtas”, mayroon pang 1,958 bakante mula sa 3,193.
Sinabi naman ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na hindi na nila hinihikayat na mag-home quarantine ang mga nagpositibo sa virus upang bumaba ang risk ng pagkalat ng virus sa loob ng kanilang bahay. Hinihikayat na umano nila ang pagsasailalim ng quarantine sa mga bakanteng quarantine facility sa ilalim ng kanilang LGU o national government.





Comments