Iskul sa Cavite, binulabog ng bomb threat
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Janice Baricuatro @News | July 1, 2026

Photo: File
Nagdulot ng pangamba sa dalawang paaralan sa Cavite ang magkahiwalay na banta ng pananaksak at pambobomba.
Sa Cavite City, nagtungo sa pulisya si Principal Randy Salonga upang iulat ang natanggap na banta mula sa Facebook account na “Agatha Pacho,” na pinaniniwalaang dummy account.
Ayon sa ulat, isang guro ng paaralan ang nakatanggap ng mensaheng nagsasabing, “Sabihin mo sa principal kapag 'di niya sinuspend, bukas mananaksak ako.”
Walang face-to-face classes sa paaralan dahil nasa ilalim pa ito ng Modular Distance Learning.
Samantala, isang umano’y bomb threat naman ang iniulat sa Paradahan Elementary School sa Brgy. Paradahan 1, Tanza.
Ayon kay Barangay Captain Allan Gumbayan Sr., nakatanggap ang Facebook page ng paaralan ng mensahe mula sa account na “LEE KAYOKRAN” na nagsasabing may iniwang bomba sa likod ng silid ng Kinder at Grade 1.
Agad nagsagawa ng koordinasyon ang mga awtoridad sa pamunuan ng paaralan at iba pang concerned agencies upang beripikahin ang impormasyon at tiyakin ang seguridad ng mga estudyante at guro.
Patuloy pang iniimbestigahan ang dalawang insidente upang matukoy ang mga nasa likod ng mga banta.





Comments