top of page
Sen. Robin Padilla - FB.jpg

Iskul niratrat, 6 bata patay, 8 sugatan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 25, 2020
  • 1 min read

ni Lolet Abania | October 25, 2020





Tinatayang anim na bata ang namatay at walo ang sugatan matapos na pasukin ng mga lalaki at pagbabarilin ang isang eskuwelahan sa Cameroon, bahagi ng Central Africa, rehiyon kung saan may naninirahan na separatist insurgents, ayon sa opisyal ng lugar.


Ayon sa report ng awtoridad at isang magulang na nakasaksi, sakay ng motorsiklo ang mga lalaki at naka-sibilyan nang dumating sa paaralan. Niratrat ng mga ito ang eskuwelahan bandang tanghali sa lungsod ng Kumba sa South West Region, Cameroon.


Gayundin, may mga batang nasaktan dahil nagtalunan ang mga ito mula sa bintana ng ikalawang palapag ng paaralan.


Gayunman, hindi malinaw kung ang nangyaring pag-atake ay may kaugnayan sa labanan sa pagitan ng army at mga grupo na nagnanais ihiwalay ang state na tinatawag na Ambazonia sa bahaging kanluran ng mga nagsasalita ng Ingles.


"They found the children in class and they opened fire on them," sabi ni city sub-prefect Ali Anougou.


Isang nanay na si Isabel Dione na nasa paaralan ang nagtatakbo at hinanap ang 12-anyos na anak na babae nang marinig ang mga putok ng baril. Natagpuan niya ang anak na nakahandusay na sa classroom at dumudugo ang tiyan.


"She was helpless and she was shouting 'Mom, please help me,' and I told her 'Only your God can save you now,'" sabi ni Dione.


Agad na dinala ang batang babae sa ospital at ginamot ang tama ng bala sa kanyang katawan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page