Iskul nasunog, 70-anyos na may-ari, natusta
- BULGAR

- 5 hours ago
- 1 min read
by Janice Baricuatro @News | September 4, 2026

Photo: Sunog sa Brgy. Sta. Cruz 1, Dasmariñas City, Cavite - FB What's in Dasma
Patay ang school owner matapos matupok ang pribadong paaralan nito sa Brgy. Sta. Cruz 1, Dasmariñas City, Cavite, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktima na si "Violeta," 70, may-ari ng Brentwood Academy at residente rin ng lugar.
Alas-8:32 ng gabi nang sumiklab ang apoy na nagsimula umano sa isang classroom. Pasado alas-9 na ng gabi nang maipagbigay-alam ang sunog. Mahigit isang oras bago tuluyang naapula ang apoy, at dito natagpuan ang sunog na katawan ng biktima sa Administration Office kung saan ito natutulog.
Patuloy na inaalam ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pinagmulan ng sunog.





Comments