Isinusuka na raw, wa’ epek, nagtuturuan lang… REGINE: MGA NAGNAKAW SA PERA NG BAYAN, MAKAKAPAL ANG MUKHA, ‘DI MARUNONG MAHIYA!
- BULGAR

- Oct 4
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | October 4, 2025

Photo: Regine Velasquez-Alcasid
Tinawag ni Asia’s Songbird Regine Velasquez na “makakapal ang mukha” ng mga tiwaling kawani ng gobyerno at pulitiko sa kanyang latest post sa Instagram (IG).
Hindi na napigilan ni Regine na ilabas ang kanyang nararamdaman laban sa mga magnanakaw ng pera ng bayan.
Ipinost ni Regine ang isang video mula sa TikTok na nagpapakita ng isang maunlad at makabagong Pilipinas.
Caption ni Regine, “Kung hindi ninanakaw pera natin, kaya ‘to, eh! The thing is, hindi sila marunong mahiya.
“Kahit sabihan silang magnanakaw, makapal ang mukha at isinusuka na natin sila, waley pa rin. Magtuturo lang sila ng iba pang magnanakaw hanggang maubos na lang nila ‘yung ninakaw nila, tapos nakaw uli.
“In the meantime, we continue to pay taxes na pinagpaguran natin. Ano pa puwede nila lagyan ng tax, ano pa! Baka paggising natin isang araw, pati hangin may tax na!
“Ano ba gagawin natin? Bakit parang I feel helpless, naghihintay tayo na may maparusahan na most likely wala.
“Ano ba gagawin natin para maituwid ang baluktot na pamamalakad na ito?
“At kahit iba ang ilagay natin d’yan, I don’t think it will change. I’m 55 (years old), konting panahon na lang ang ilalagi namin sa mundo. Sana man lang maabutan namin ang isang maluwalhating pamumuhay para sa mga Pilipino.”
Kinampihan si Regine ng mga netizens sa mga pahayag niya sa kanyang IG post.
“Mabuhay ka, Ms. Regine! Our National Treasure in Music. Thank you for voicing out!”
“Powerful voice indeed.”
“Ate, I feel you. Gusto ko rin silang batuhin ng kamatis.”
Kamatis lang?!
TWENTY days na lang ang hihintayin ng mga nag-aabang sa 20th anniversary concert ni Power Diva Frenchie Dy titled Here to Stay (HTS) na gaganapin sa Music Museum, Greenhills, San Juan City on October 24, Friday, 8 PM.
Malaking milestone para kay Frenchie ang anniversary concert dahil ihahatid nito ang naging journey ng kanyang career sa showbiz for more than 20 years. Ito rin ang kauna-unahang solo major concert ni Power Diva.
Isa sa mga highlights ng concert ni Frenchie ay ang pagiging survivor niya bilang Bell’s Palsy patient—hindi lang minsan kundi tatlong beses. Sa kabila nito, napagtagumpayan niya ang kanyang karamdaman at patuloy na hinaharap ang mga hamon ng buhay.
Pahayag ni Frenchie, “Naging inspirasyon ko po ang mga anak ko, tapos ‘yung pamilya ko po. ‘Yung mga tao po na nagme-message sa akin, ‘yung iba’t ibang istorya nila na pinagdaanan ng pagkakaroon ng Bell’s Palsy.”
Special guests sa HTS sina Ice Seguerra, Sheryn Regis, OJ Mariano, Ala Kim the Magician at ang El Gamma Penumbra.
Makakabili ng tiket sa Ticket2Me website.








Comments