Search
  • BULGAR

Isinilang sa Year of the Rabbit, laging relaks sa buhay kaya nag-e-enjoy hanggang tumanda

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | February 27, 2021





Ipagpatuloy natin ang pag-aanalisa sa pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Rabbit o Kuneho ngayong Year of the Metal Ox.


Kung ikaw ay isinilang noong taong 1927, 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2012 at 2023, ikaw ay naiimpluwensiyahan ng animal sign na Kuneho o Rabbit.


Ayon sa mga sinaunang Chinese, ang Kuneho ay sumisimbolo ng “longevity” kung saan sila ay nabubuhay ng mahaba at maligaya dahil kadalasan, iniiwanan ng mga Kuneho ang mabibigat na pagsubok at problema ng buhay.


Dahil dito, relaks at kalmante lang sila sa kanilang pang-araw-araw na buhay at karamihan sa kanila ay inaabot ang matandang-matanda nang edad kung saan labis nilang na-e-enjoy ang lahat ng sarap at ligaya sa buhay na ito kahit pa sa panahon ng kanilang pagtanda.


Para sa isang Kuneho, mas gusto pa niyang mabuhay sa isang tahimik at komportableng lugar kaysa sumuong sa iba’t ibang uri ng pakikipagsapalaran. Dahil para sa kanya, mas mahalagang mapreserba ang malusog at mahabang pamumuhay kaysa sa mga materyal na bagay na batid niyang hindi naman sa materyal na mga bagay na ito lamang ang ikinaliligaya ng bawat tao.


Bagama’t mas pinipili ng isang Kuneho na mabuhay lang nang kampante, tahimik at nag-iisa, sinasabing likas din siyang matulungin, lalo na sa mahihirap, inaapi at walang maaasahan. Ang pagiging maaawain na ito ng isang Kuneho ay isa sa nagiging dahilan kung bakit lalo pang humahaba at nagiging maligaya ang kanilang buhay.


Dahil para sa isang Kuneho, ang pagtulong at pagmamahal sa kapwa, lalo na nga sa mga less fortunate, ang pangunahing dapat gawin at ipatupad ng isang marangal at mabuting tao habang siya ay nabubuhay sa mundo.


Kaya naman dahil sa kabutihang ito ng isang Kuneho na likas sa kanyang puso, sinasabing sa 12 animal signs na ipinatawag ni Lord Buddha sa kanyang palasyo, Kuneho ang isa sa pinakamapalad at pinakamasuwerte dahil ang tunay na gumagabay sa kanya ay ang nasa itaas kung saan palagi siyang pagkakalooban ng langit ng magaganda at maliligayang karanasan.


At ang ikinaganda pa nito, naniniwala rin ang mga sinaunang Chinese na ang isang Kuneho sa panahon ng kanyang pagtanda ay tiyak na makakaranas ng masarap, kuntento at maligayang pamumuhay na hindi naranasan ng iba pang mga animal signs.


Itutuloy

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.