top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Isang Marriage Line, indikasyon na mapapangasawa ang BF na nasa abroad kesa ang no. 2

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 18, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| February 18, 2021




KATANUNGAN


  1. May nobyo ako ngayon at balak na sana naming magpakasal, pero nagpumilit siyang mag-abroad kahit na dalawang taon lang daw saka kami magpapakasal. Actually, nagli-live in na kami for almost a year nang maisipan niyang mag-abroad para raw sa future namin.

  2. Aaminin kong mahal ko siya, pero nang may dumating na lalaki sa buhay ko na hindi ko naman masyadong mahal, nakipagrelasyon ako sa kanya at may lihim na nangyayari sa amin habang nasa abroad ang fiancée ko. Ayaw ko sana itong gawin, kaya lang, hindi ko siya maiwasan kahit alam kong hindi ko naman siya mahal.

  3. Kaya ang nais kong itanong ay totoo bang nakatakda ang kapalaran, at kung oo, sino sa dalawang lalaking ito ang nakatakda kong makakasama habambuhay?


KASAGUTAN


  1. Totoong nakatakda ang kapalaran, pero sa mga taong may makakapal o matambok at malaman na palad, ibig sabihin, may energy kapag sinalat at kaunti lang ang guhit ng palad, sila ang mga taong may kakayahang iwasan ang nakatakda at baguhin ang kanilang kapalaran. Gayundin, sa painakamatinding will power, lalo na kung malaki ang unang hati ng hinlalaki (arrow a.) kaya nilang isagawa at hubugin ang sarili nilang tadhana at kapalaran.

  2. Kaya bagama’t tila nagpapatong ang Marriage Line (Drawing A. 1-M arrow a.) sa kaliwa mong palad, pero naging tuwid na lang na Marriage Line (Drawing B. 1-M arrow b.) sa kanan mong palad at nagkataong presente sa iyo ang mga indikasyong ipinaliwanag, may kakayahan kang baguhin at ituwid ang iyong kapalaran kung sa pansin mo ay medyo nababaluktot o nagugulo ang iyong buhay. Sa kabilang banda, puwede rin naman ang negative side, halimbawang maganda na ang kapalaran mo, puwede mo rin itong baluktutin at papangitin pang lalo.

  3. Sa madaling salita, bagama’t may tendency na lokohin mo ang iyong boyfriend habang siya ay nasa malayong lugar, kapag patuloy mo siyang niloko, mananaig ang nagpatong na Marriage Line (1-M arrow b.) sa kaliwa mong palad — hindi mo siya makakatuluyan, dahil hindi lang naman siya ang niloko mo kundi pati na rin ang iyong sarili, kaya pagkatapos mong manloko ng tao at nagkataong siya ay ang fiancée mo, darating ang panahong ikaw naman lolokohin ng iyong kapalaran. Kaya hindi mo makakatuluyan ang lalaking mahal mo talaga na kinakatawan ng first boyfriend mo na nasa abroad.

  4. Subalit kung sakaling naging tapat ka sa iyong sarili at sa iyong fiancée, maiiwasan mo na ang ikalawang lalaki na hindi mo naman mahal. Sa puntong ito, ‘pag naituwid at naitama mo ang iyong ginagawa, magiging tuwid din ang iyong future.

  5. At dahil namuhay ka nang matuwid at mabuti ang fiancée mo na nasa abroad na mahal na mahal mo talaga, siya ang iyong makakatuluyan na nirerepresenta ng kaisa-isa at magandang Marriage Line (Drawing B. 1-M arrow b.) sa kanan mong palad.


DAPAT GAWIN


Kaya wala kang dapat gawin ngayon, Sophia, kundi ang iwasan ang lalaking nakikisawsaw sa relasyon n’yo ng fiancée mo. Sa ganyang paraan, mananaig ang kaisa-isa at magandang Marriage Line (1-M arrow b.) sa kanan mong palad. At sa pagbabalik ng iyong fiancée, kayo na ang magkakatuluyan hanggang sa tuluyang bumuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page