Search
  • BULGAR

Isang linggo o mahigit pang ubo at halak ng bata, ‘wag dedmahin!

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | June 29, 2020



Dear Doc. Shane,

Dahil sa pabagu-bagong panahon ay nagkakasakit ang aking mga anak. Palagi silang may sipon o kaya ay may ubo. ‘Yung bunso ko na 2 years old ay may halak at isang linggo na ito, ano ba ang dapat kong gawin?

– Eunice

Sagot


Ang halak ay isang uri ng ubo na maraming plema na madalas ay nararanasan ng mga bata kung saan ay kadalasan itong may kasamang matinding ubo at sipon, at paminsan pati na rin lagnat.


Hindi palaging nalalaman kung ano ang sanhi ng halak, dahil minsan ay parehas ang sintomas ng ubo, sipon at iba pang upper respiratory infection sa halak.


Minsan ito ay dahil sa viral o bacterial infection sa bandang lalamunan, bibig o ilong.


Ano ang dapat gawin?


Minsan, hindi na kinakailangang bigyan ng gamot si baby kapag mayroong halak. Posibleng mawala ito ng kusa kapag gumaling na ang ubo niya. Ngunit may mga sitwasyon na hindi agad-agad nawawala ang halak, kaya kinakailangan ng karagdagang gamutan.


Sa mga ganitong sitwasyon, mas mabuting kumunsulta sa doktor bago magbigay ng gamot sa inyong anak. Nakakatulong din ang pagpapainom ng tubig o pagkakaroon ng humidifier upang makatulong na lumuwag ang paghinga ng iyong anak.


Dalhin agad sa doktor ang iyong anak kapag kakikitaan ng mga sumusunod na sintomas:

  • Ubo, halak o sipon na hindi pa nawawala makalipas ang isang linggo

  • Ubo, halak o sipon sa mga batang 0-3 na buwan

  • Mataas na lagnat

  • Nahihirapang huminga

  • Parang hinihika, may paghuni o tila sipol sa paghinga

  • May dugo sa plema o sipon

  • Namumutla at ayaw dumede o kumain

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.