Presyo ng bulaklak sa Dangwa, tumaas na

ni Jasmin Joy Evangelista | February 9, 2022

Isang linggo bago ang Valentine’s Day, tumaas na ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa Flower Market sa Maynila.
Umabot na sa P1,200 ang presyo ng isang dosenang rose kumpara sa dating P500.
Ayon sa mga flower vendor, posible pa itong umabot sa P2,000 pataas sa Pebrero 13 at sa mismong Valentine's Day.
Ang 10-stem carnation at gerbera, nasa P300 na mula sa dating P180.
Ang 10 pirasong sunflower naman ay P100 na ang presyo at possible pa umanong magtriple ang presyo sa mga susunod na araw.
Naglalaro naman ang presyo ng dried flowers bouquet sa P600 hanggang P1,500, na inaasahang tataas pa rin.
Payo naman ng mga nagtitinda, maghanap ng ibang uri ng bulaklak bukod sa rosas kung limitado lamang ang budget.





Comments