Isang araw bago ang V-day… Presyo ng bulaklak sa Dangwa, triple na ang itinaas

ni Jasmin Joy Evangelista | February 13, 2022

Isang araw bago ang Valentine’s Day ay triple na ang itinaas ng presyo ng bulaklak sa Dangwa.
Ang mga rosas na galing sa Baguio ay nasa P250 hanggang P300 na kada piraso at P1,100 para sa isang round bouquet nito, ayon sa report sa Super Radyo dzBB.
Ang presyong ito ay para lamang ngayong Linggo ng umaga at inaasahang tataas pa ngayong Linggo ng hapon at lalo sa mismong araw ng Valentine’s Day dahil sa mataas na demand.
Bukod sa rosas, in demand din ang sunflowers sa Dangwa.
Samantala, sa Farmers Garden sa Quezon City, busy na ang mga flower arrangers sa pag-aayos ng mga bulaklak habang medyo matumal pa kaninang madaling araw.
Ang presyo ng floral bouquets ay naglalaro mula P400 hanggang P2,500 nitong Linggo ng umaga.





Comments