Isa sa suspek sa Christine Dacera case… KIM, PINASAYA SI VALENTINE ROSALES, PINAGBIGYAN NU’NG B-DAY

Julie Bonifacio - @Winner | February 19, 2021

Tinugon ng It's Showtime host na si Kim Chiu ang birthday wish ni Valentine Rosales last February 14.
Si Valentine ang isa sa mga nadawit at naging suspek pa noon sa kontrobersiyal na pagkamatay ng flight stewardess na si Christine Dacera.
Nag-tweet kasi si Valentine nu'ng birthday niya na sana raw ay batiin siya ni Kim Chiu.
"SANA I-GREET MAN LANG AKO NG HAPPY BIRTHDAY OR HAPPY VALENTINE’S NI KIM CHIU," buong tweet ni Valentine.
Matatandaan na naging very notable ang pahayag ni Valentine bilang reaksiyon sa statement na lumabas sa publiko na kapag ang bakla, naimpluwensiyahan ng alcohol ay nagiging lalaki. "Ako po, 'yung una, lalaki po ako. 'Yun nga po, pamhinta-pamhinta. 'Pag nalasing na po ako, nagiging pa-sweet na, nagiging Kim Chiu," reaksiyon ni Valentine.
Naisapubliko na ni Valentine ang kanyang sexual orientation. At dahil sa kanyang “gender reveal”, pinalayas daw siya ng kanyang ama na isang Taiwanese. Pagkatapos palayasin sa bahay, pumunta si Valentine sa kanyang tiyahin at doon nakitira.
Mismong si Valentine ang nagkuwento sa media nu'ng pinalayas siya ng kanyang ama sa bahay nila. Itinakwil din daw siya at tinanggalan na ng mana.
Solong anak kasi si Valentine na ang tunay na pangalan ay Alain Dayanan Chen. Isa siyang Filipino-Taiwanese. At base sa paniniwala ng pamilya sa Taiwanese side ni Valentine, malas ang anak na gay.
Going back kay Kim, a day after ng birthday ni Valentine, nabigyang-katuparan ang kanyang hiling.
"Hi VALENTINE! Happy birthday and happy Valentine’s sa ‘yo! Hihihi! Stay sweet as you are!" tweet ni Kim.
Agad namang nag-post ng comment si Valentine sa reply-section, "Mahal na mahal kita, Kim Chiu! ‘Di pa din ako makapaniwala natupad ang wish ko."
Bukod sa reply, ipinost din niya ang tweet/birthday greetings ni Chinita Princess sa lahat ng kanyang social media accounts.
"WAAAAAAAAA!!!! Sobrang sayaaaa kooo!!! Thank you@prinsesachinita!!! Best Birthday/Valentine’s Gift ever!!!"
Nasundan ng isa pang post ni Valentine expressing his happiness and excitement, again.
"MY GOSH!!! AYOKO NAAAA, SOBRANG NA-TOUCH AKO!!! Iloveyou@prinsesachinita."
It's nice to know na naging masaya si Valentine on his birthday. Grabe rin ang pinagdaanan niyang stress, tensiyon, pressure and depression. Kahit may lumabas nang report from the medico-legal team ng mga awtoridad na walang rape na naganap, patuloy pa ring dinidinig ang kasong inihain ng pamilya ni Decera laban kay Valentine and his friends.





Comments