top of page
Search
BULGAR

IQOS nilampasan ang Marlboro bilang no.1 brand

ni Chit Luna @News | Oct. 18, 2024




Neuchatel, Switzerland – Nilampasan ng IQOS ang kita ng Marlboro, isang dekada matapos ipakilala sa merkado ang heated tobacco product ng Philip Morris International (PMI) noong 2014.


Sa unang pagkakataon sa kasaysayan, ang mga smoke-free products ay nalampasan ang sigarilyo, ayon kay Jacek Olczak, CEO ng PMI, sa isang pagtitipon noong Oktubre 9, 2024 sa Neuchatel, Switzerland.


Ipinakilala ng PMI, sa pamamagitan ng PMFTC Inc., ang IQOS sa Pilipinas noong 2020. Kasama na ngayon sa linya ng produkto ang pinakabagong bersyon, ang IQOS Iluma at ang consumable heat sticks na TEREA.


Ang mas murang BONDS by IQOS, at ang consumable heat sticks na BLENDS ay inilunsad noong 2022. Samantala, ang ZYN, isang oral nicotine pouch, ay dinala sa bansa noong 2023.


Nangako ang PMI noong 2014 na abutin ang smoke-free vision nito sa pamamagitan ng pagpapalit ng mga sigarilyo ng mas mahusay na mga alternatibo. Ipinakilala ng kumpanya ang IQOS sa Milan, Italy at Nagoya, Japan noon ding taon. Ang IQOS ay mabibili na ngayon sa 90 bansa at ginagamit ng 30.8 milyong tao sa buong mundo.


Ayon sa pinakabagong ulat ng PMI, 38 porsiyento ng kabuuang netong kita nito ay nagmumula sa smoke-free products tulad ng IQOS. Gumagamit ang IQOS ng patented induction technology para mapainit ang tabako sa halip na sunugin ito. Dahil hindi sinusunog ang tabako, ito ay walang usok at sa halip ay gumagawa ng aerosol na naglalaman ng nikotina.


Hindi din ito nagdudulot ng abo. Sinabi ni Olczak na hindi kailanman itinuring ng PMI ang IQOS bilang karagdagang produktong sigarilyo, kundi kapalit mismo ng sigarilyo. Aniya, hindi makatuwiran na ipagpatuloy ng kumpanya na tumuon sa isang produkto na maraming negatibo samantalang mayroong mas mabuting alternatibo.


Sinabi niya na sa daan-daang milyong dolyar na ginagastos ng PMI sa research and development, 99 porsiyento dito ang nakatuon sa mga bagong produkto. Ayon kay Tommaso Di Giovanni, vice president ng PMI para sa internasyonal na komunikasyon, gumastos ang kumpanya ng higit sa $12.5 bilyon at nagbigay trabaho sa higit 1,500 mga inhinyero, siyentipiko, technician, at kawani para sa patuloy na pagbuo ng mga produktong walang usok.


Sa pagsisikap nitong magbigay ng mas mahusay na alternatibo sa 1.1 bilyong naninigarilyo sa buong mundo, kinikilala ng PMI na ang mga tao ay may iba't ibang inaasahan para sa mga alternatibong produkto at iba't ibang pattern ng paggamit, sabi ni Olczak.


Sinabi naman ni Di Giovanni na ang mga bansa, NGOs at lahat kabilang ang mga manggagamot, awtoridad sa kalusugan at akademya ay may papel na dapat gampanan para sa smoke-free future.


Sa isang eksklusibong panayan ng mga Pilipinong mamamahayag, kinilala ni Di Giovanni ang Pilipinas bilang isang pioneer sa pagpasa ng Vape Law. Aniya, ang Pilipinas ang una sa rehiyon na nagkaroon ng visionary approach sa pagkilala ng mga produktong walang usok.


Sinabi ni Olczak na hindi makakamit ng PMI ang smoke-free vision nito sa mga bansang nagbabawal sa mga smoke-free alternatives. Aniya, mabilis na bumababa ang benta ng sigarilyo sa mga bansang pinahihintulutan ang mga walang usok na alternatibo.

0 comments

Recent Posts

See All

コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page