top of page
SHEET - ARCHIE, NAKITAAN NI GEE NG 2 SACHETS NG DRUGS SA KOTSE-IG _archiealemania & _ogied

Ipupuslit sa selda... Shabu sa sapatos ng babae, buking

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 21 hours ago
  • 1 min read

by Janice Baricuatro @News | September 1, 2026



Shabu sa sapatos - Tanza Cavite Real Affairs pic

Photo: Circulated / Tanza Cavite Real Affairs



Kalabosos ang isang babae matapos makuhanan ng hinihinalang shabu sa sapatos na dala niya para sana sa kapatid na nakakulong sa BJMP Tanza, kamakalawa.


Kinilala ang suspek sa alyas Guada, 49, dalaga, ng Brgy. Amaya 6, Tanza. 

Alas-2 ng hapon nang dumating ang suspek para dalawin ang kapatid. Napansin ng duty jail officer ang kahina-hinalang laman ng isang sapatos na dala nito. Nang kapkapan, tumambad ang isang sachet ng hinihinalang shabu na nakasiksik sa sapatos.


Tinatayang 2.42 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P16,456 ang nakumpiska sa suspek. 


Agad siyang inaresto at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page