Ipo Dam, magpapakawala na ng tubig
ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 25, 2021

Umabot na sa 100.56 meters ang water level sa Ipo Dam bandang alas-7 nang umaga at inaasahang tataas pa ito dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan na dulot ng Habagat.
Dahil dito, ayon sa DOST-PAGASA, magsasagawa ng spilling operation mamayang alas-12:00 nang tanghali. Inabisuhan ng PAGASA na manatiling alerto ang mga residente sa mabababang lugar at malapit sa river bank ng Angat River mula sa Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel, at Hagonoy.
Samantala, patuloy na mino-monitor ng PAGASA at Dam Management ang hydrological condition ng Ipo Dam.






Comments