Ipinost sa socmed… KIM, NAKAPILA, NALOKA SA NAGHALIKAN SA HARAP NIYA
- BULGAR
- Mar 6, 2024
- 1 min read
ni Ador V. Saluta @Adore Me! | March 6, 2024

Sa kuwento ng It's Showtime host na si Kim Chiu sa kanyang post sa X (dating Twitter), ikinaloka niya ang naranasan nu’ng isang araw na may nag-PDA (public display of affection) sa kanyang harapan habang siya'y umoorder ng tubig.
Hindi binanggit ni Kim kung saang tindahan ito o fast food subalit kanyang ikinaloka nang makita nang harap-harapan na may naghahalikang couple in front of her eyes habang nakapila siya at hinihintay ang order na mineral water.
Marahil ay ‘di nakilala si Kim habang nakapila dahil maaaring naka-shades ang actress na bida sa seryeng What's Wrong with Secretary Kim?.
Or baka naman sinadya ng couple ang eksena para kumalat sa social media dahil alam nila na nasa likod nila ang It’s Showtime host at tiyak na mababanggit nito sa kanilang programa ang nasaksihan?
Post ng aktres-host, "That feeling na may naghahalikan sa harap mo habang nakapila ka ng halos 1 hour na."
Ayon pa kay Kim, gusto lang naman daw sana niyang bumili ng tubig.
"Gusto ko lang naman umorder ng tubig! Ba't ganu'n!"
Napaisip naman ang ilang netizens kung wala bang alalay na mauutusan si Kim at bakit siya ang kailangang pumila nang halos isang oras para lang bumili ng tubig?








Comments