Ipinost sa socmed… ANGELICA AT BF, MOM AT DAD NA ANG TAWAGAN

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | February 7, 2021

Haping-happy ngayon si Angelica Panganiban sa kanyang love life at makikita ito sa kanyang mga posts recently. As we all know, she’s in a relationship now with Gregg Homan na ang tsika ay yacht designer in Subic.
Kaya nga biro ni Bea Alonzo minsan sa vlog niya, sa Subic na raw yata nakatira ang friend niyang si Angelica.
Makikita kasi sa mga posts ni Angelica na nasa Subic siya for quite sometime now.
Very open na nga ang aktres sa kanyang bagong BF dahil sa pinakahuling IG post niya ay kasama niya ito at ang kanilang asong si Roxy habang nakasakay sila ng bangka sa Subic Bay.
“Dad, Mom, make space for me? ‘Cause I’m the cutest” – Roxy,” ang caption ni Angelica.
Sa comments section ay napakaraming positive comments at masayang-masaya sila para kay Angelica for finally finding love again after several heartbreaks.
Wish ng lahat na sana nga ay ito na ang “the one” na hinahanap ng aktres.





Comments