top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Ipinasukat na ng alahera, wala nang surprise…

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 15, 2020
3 min read

ENGAGEMENT RING NA BIGAY NI LUIS, MATAGAL NANG NASUOT NI JESSY

Julie Bonifacio - @Winner | December 15, 2020




Nag-live si Luis Manzano sa kanyang Facebook account last Sunday. Dito ay kinumpirma ni Luis na October pa talaga siya nag-propose sa kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola. At ang mga larawan nilang kuha sa Amanpulo ay ang pictorial for their engagement.


May kakaibang pangyayari kasi sa naganap na marriage proposal ni Luis kay Jessy. Maraming tanong at reactions ang mga netizens sa mga naglabasang news about their engagement.


And now, 'di lang ang petsa ng proposal ni Luis ang isyu kundi pati ang almost P5M worth na engagement ring ni Luis kay Jessy.


May nagke-claim kasi na isang jewelry company na sila raw ang gumawa ng engagement ring ni Jessy at hindi ang napabalitang Manila Diamond Studio.


Sa Instagram account ng radiant.lux.jewelry, naglabas sila ng statement na sila raw ang gumawa ng engagement ring ni Jessy.


"It is unfortunate that a company would insinuate a work for something that they did not do. We feel the need to inform the public that this is our work. We are the original creators of the engagement ring of Jessy Mendiola and Luis Manzano. In our opinion, taking credit for something they did not do is detriment to the industry that have ring makers who put their heart and soul to their pieces. Such a post or announcement is very misleading and unethical," post ng Radiant Lux Jewelry.


Nag-react si Luis sa post ng jewelry company at nilinaw na hindi sila ang gumawa ng final design ng singsing ni Jessy.


"So, the final design on Jessy's finger was from her own design and @maniladiamondstudio, not the one made by Radiant," post ni Luis.


Pero may netizen ang nagtanong kay Luis sa kanyang comment, "So, bago ka mag-propose, ipina-check mo muna kay Jessy kung okey na sa kanya? Tapos, na-surprise si vakla kunwari? Ang galing! Hahaha!"


Sagot ni Luis, "Actually, manood ka ng vlog soon to know how unique our proposal :)"


Sinundan pa ito ng dalawa pang reply ni Luis sa sarcastic na tanong ng netizen, "To know about our unique proposal," at "ALL DETAILS will be on the vlog soon.:)."


Inayunan naman ng aming source ang sinabi ni Luis tungkol sa kakaibang proposal na naganap sa kanila ni Jessy.


Isa raw sa mga dahilan kaya naging kakaiba ang wedding proposal ni Luis kay Jessy ay may kinalaman sa pagpapagawa ng engagement ring na worth P5 M.


Ayon pa sa aming source, nakilala raw ni Jessy ang alahera na head ng Radiant at tinulungan daw ng aktres ang kumpanya sa pagpo-promote ng produkto online.


At dahil kakilala na siya ni Jessy, sa kanya na ipinagawa ni Luis ang engagement ring para sa gagawin niyang proposal sana last year.


Inabot daw ng humigit-kumulang na P3.2 M ang ibinayad ni Luis sa Radiant. Pero hindi pa man daw nagaganap ang marriage proposal ni Luis, ipinakita at ipinasuot na ng Radiant kay Jessy ang engagement ring na ipinagawa ng TV host. At hindi raw 'yun ipinagpaalam ng alahera kay Luis.


Kumbaga, mas nauna pa raw na nagsuot ng singsing kay Jessy 'yung alahera kesa sa magpo-propose sa kanya at nagbayad ng singsing.


Dahil d'yan, nawala raw tuloy 'yung element of surprise ng marriage proposal ni Luis.


Sobrang na-disappoint daw si Luis, kaya 'yung ultimate feeling ng marriage proposal, 'di na mararanasan nina Jessy at Luis dahil sa ginawa ng alahera.


Sabi pa ng aming source, ninakaw daw ng mahaderang alahera hindi 'yung P3.2M worth kundi 'yung 'di matutumbasang halaga ng super special feeling at kaligayahan for that moment na once-in-a-lifetime experience lang for Luis and Jessy.


Pero imbes na magalit or mag-take ng any legal actions si Luis sa kawalan ng professional ethics ng alahera at pagsira sa trust and confidence ng isang customer, mas pinili ni Luis ang manahimik.


At para mabura na lang ang bad experience nila na didikit na forever sa alaala ni Jessy every time makikita niya ang singsing, they both decided na ibahin na ang hitsura nito.


Si Jessy na raw mismo ang nag-design sa kung ano ang gusto niyang hitsura for her engagement ring at nagpatulong sa Manila Diamond Studio.


Dahil babaguhin nga ang design, muli raw gumastos si Luis para sa cost nito na umabot din sa mahigit isang milyong piso.


Ito raw ang dahilan kaya umabot nang halos P5 M ang engagement ring ni Jessy.


Sa kabila nito, kinilala pa rin ni Luis ang naturang jewelry store sa tulong na ginawa para sa singsing.


Sa true lang, puwede na rin daw na hindi ito gawin ni Luis dahil bayad na bayad naman ang Radiant.


"While Radiant did help us to procure the main stone, we had a completely different setting, add-ons, and design made thru @maniladiamondstudio, so yes, the design Jessy is wearing right now is from her own design and @maniladiamondstudio," mensahe pa ni Luis.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page