Ipinagmalaking panalo na tayo sa COVID-19…LUIS, SINOPLA SI HARRY ROQUE
- BULGAR

- Jul 2, 2020
- 2 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 2, 2020

Nakakaloka naman itong si Presidential Spokesperson Harry Roque. Aba, ang akala natin, ang ating kalaban o hinahanapan ng lunas ng gobyerno ay ang COVID-19 pandemic.
Hindi naman pala kundi ang UP (University of the Philippines) forecast, sa bilang ng COVID-19 cases pagdating ng June 30.
Sinabi noon ng UP-OCTA Research Team na baka umabot sa 40,000 ang COVID-19 positive cases ng Pilipinas sa katapusan ng buwan (June).
Napansin ito ni Luis Manzano nang magbunyi si Roque sa kanyang regular press briefing nu'ng Martes.
Lahad ni Roque, “Wala na po, panalo na tayo! We beat the UP prediction po.
“We beat it, so congratulations, Philippines!"
Sarkastikong hirit ni Luis, “Akala ko, the whole time, COVID ang kalaban, UP pala!"
Pang-aasar pa niyang sabi, “Congratulations!”
Ang comedian actor na si John Lapus ay nag-react din sa pagbubunyi ni Roque.
Aniya sa kanyang social media account, “Pataas-taas pa ng kamay. Gaga!”
Gigil na gigil naman ang mga netizens sa mga pinagsasabi ni Roque. Parang wala na raw sa tamang pag-iisip ang tagapagsalita ng Palasyo.
Anila, "This statement really triggered me!! Sir, what we are battling is the virus not UP. And our goal is to flatten the curve not to beat the UP predictions. Tatawanan tayo ng ibang bansa sa pinagsasabi mong nanalo na tayo kasi the numbers are still increasing pa. There's no reason to celebrate ok!!”
“Gosh, nakakahiya. Ano ba, Roque? UP talaga?”
“Ano ba 'yan?! Sa halip na gawing warning ang prediction ng UP, ginawa pang contest. Walang panalo sa sitwasyon na 'to lalo na't pataas nang pataas pa 'yung number of cases.”
Anyway, kung may punto si Roque sa kanyang speech, higit na may punto ang mga netizens dahil hangga’t hindi nakakahanap ng vaccine ang WHO, hindi mananalo ang mundo laban sa COVID-19.





Comments