top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Inutil ang DTI, nagdikta na lang ng ₱500 budget sa Noche Buena

BULGAR
Dec 16, 2022
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 16, 2022


DAHIL SA MAKABAYAN BLOC, NABULGAR ANG PANLOLOKO SA PUBLIKO—Ibinulgar ni ACT partylist Rep. France Castro, hindi totoong tinanggal na ang pondo ng Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) na pagkukunan ng pondo para sa Maharlika Investment Fund.


Nakasaad pa rin umano na maaaring magamit ang naturang pondo kapag inaprub ng Board of Directors ng GSIS at SSS.


‘Yan ang kainaman na may Makabayan Bloc, nabubulgar ang panloloko sa publiko.


◘◘◘


‘PORK BARREL’ ANG GAMITIN SA MAHARLIKA FUND, ‘WAG PONDO SA SSS AT GSIS—Natuklasan ni minority leader Sen. Koko Pimentel, na mahigit P544 bilyon ang nakasingit sa budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH), na posibleng maging ‘pork barrel’.


Aba’y kung ganun, bakit hindi na lang dito kunin ang gagamitin para sa Maharlika Fund? ‘Wag na pag-initan ang pondo sa GSIS at SSS dahil hindi apektado ang mga mambabatas kapag na-scam ito, pero ‘pag nangyari ‘yun, kawawa ang mga pensyonado. Imbes na may pondo para sa panahon ng kanilang pagreretiro, aba’y mawawala pa.


◘◘◘


DAHIL WALANG MAGAWA SA TAAS-PRESYO NG MGA BILIHIN, NAGDIKTA NA LANG ANG DTI SA BUDGET SA NOCHE BUENA—Dahil walang magawa ang gobyerno sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin ngayong Kapaskuhan, palusot ni DTI Usec. Ruth Castelo, puwedeng pagkasyahin ang P500 na panghanda sa Noche Buena.


Mantakin n’yo, dahil inutil ang pamahalaan na mapababa ang presyo ng mga bilihin, diniktahan na lang nila ang mamamayan sa budget para sa Noche Buena.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page