Search
  • BULGAR

Internet center para sa estudyante at guro, itinatayo sa Pasig City

ni Lolet Abania | August 22, 2020



Nagpapatayo ng internet access center para sa mga estudyante at guro na nahihirapan sa internet connection, ang lokal na pamahalaan ng Pasig City.


Ito ang naging tugon ng lungsod ng Pasig, sa gagawing blended learning ng Department of Education (DepEd) sa lahat ng mag-aaral sa bansa.


Ayon kay Mayor Vico Sotto, nais nilang matulungan ang mga mag-aaral at mga magulang ng kanilang lungsod, na magkaroon ng maayos na access sa internet kapag nag-umpisa na ang online learning sa October 5.


Gayundin, sabi ni Sotto, sa itinatayong internet center, maaaring makapag-download ang mga estudyante at magulang nito ng modules na gagamitin sa pasukan dahil sa lalagyan pa ito ng high speed internet.


Samantala, magkakaroon ng scheduling kada isang linggo, ang mga internet access center upang hindi magkasabay-sabay at dumagsa ang mga gustong gumamit nito, ayon sa Pasig LGU.


Bukod sa mga mag-aaral at magulang, maaari ring gamitin ng mga guro para sa kanilang modules na ituturo ang internet access center.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.