top of page
Search
  • BULGAR

International travelers bumaba sa 95 percent — BI

ni Twincle Esquierdo - | July 15, 2020




Ayon sa Bureau of Immigration (BI) nitong Miyerkules na bumama ng halos 95 percernt ang bilang nga mga international travelers na labas pasok sa bansa.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente ang bilang ng mga international arrivals na umalis sa bansa simula Marso 16 hanggang Hunyo 30, 2020 ang ay bumaba ng mahigit 96 percent kumpara sa nu’ng nakaraang taon at halos 95 percent naman ang biulang nga mga bumalik sa bansa kumpara nu’ng nakaraang taon. Base kay Morente ang pandemya ang dahilan kung bakit bumaba ang porsyento ng mga international arrivals. Saad niya, “We do not foresee these statistics to rise in the near future while the entire world is still fighting to defeat this coronavirus,”

Ayon sa datos na sinabi ni Immigration Deputy Spokesperson and BI National Operations Center (BINOC) Acting Chief Melvin Mabulac na 189,000 na pasahero ang bumalik sa bansa simula Marso 16 hanggang Hunyo 30, 2020 kumpara nu’ng nakaraan taon 2019, na umabot ng 5.16 milyon. 238,000 naman ang umalis ng bansa noong Marso 16 hanggang Hunyo 30, 2020 kumpara nu’ng nakaraan taon na 5.18 milyon.

Ipinaliwanag rin ni Mabulac na ang lahat ng pasahero ay dumating at umalis sa Ninoy Aquino Interntional Airport (NAIA) dahil sarado ang ilang kumpanya ng paliparan dahil sa lockdown at ang pinapayagan lang ng gobyerno ay ang mga international flight sa Clark at Mactan airport noong Hunyo 6. Samantala, sinabi ni Morente sa publiko na ang Bureau Imigrasyon ang siyang mamamahala sa mga country’s ports upang hindi makapasok ang mga dayuhan sa bansa.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page