ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 19, 2024
Bentang-benta talaga ngayon si Kim Chiu sa mga endorsements. Parang two weeks ago pa lang yata nu'ng ini-launch siya bilang endorser ng Hello Melo ng Brilliant Skin Essentials, kahapon, pumirma naman siya ng kontrata bilang first ever ambassadress ng lending company na BillEase.
Of course, tuwang-tuwa si Kim dahil blessing ito at nag-share nga ng experience kung bakit siya napapayag na maging endorser ng kumpanya.
Kuwento ni Kim, siya raw mismo ang nagbabayad ng mga bills niya at minsan, kapag pareho silang busy ng kanyang Ate Lakam, nakakalimutan na raw niya ang mga due date niya kaya there was a time na naputulan siya ng linya ng telepono.
Kaya naman malaking tulong daw sa kanya ang bago niyang endorsement kung saan ang bilis lang daw talagang mag-download ng app na ito sa cellphone at puwede pang magbayad ng installment kaya 'di raw mahirap sa bulsa.
Pag-amin pa nga ni Kim, kahit siya raw mismo, may mga purchases siyang naka-installment din, ha?
Well, baka naman milyon ang ginastos ni Kim sa shopping ng kanyang mga bags kaya naka-installment, haha!
Anyway, 'di naiwasang uriratin si Kim sa estado ng kanyang puso ngayon lalo't kagagaling lang nila ni Paulo Avelino sa Dubai.
Inamin ni Kim na medyo malalim na rin ang pagkakakilala nila ni Paulo sa isa't isa dahil matagal-tagal na rin silang nagkakatrabaho mula pa nu'ng taping ng Linlang.
Natatawa na rin daw si Paulo sa kanya at nagkukuwento kaya medyo kampante na sila ngayon sa isa't isa.
Pero nang tinanong namin si Kim kung pang-totropahin o pang-jojowain ba si Paulo, paiwas na sumagot ang dalaga, "Huuuu, ang bilis. Mag-download po tayo ng BillEase, ha?"
Natanong naman si Kim ng aming co-writer at kumareng si Melba Llanera kung ano'ng mga natutunan niya sa love na puwede niyang i-share.
Sagot ni Kim, "Learnings? Installment na lang natin ang pagbigay ng love. Hindi 'yung buo."
Oh, guys, narinig n'yo? 'Wag bigay-todo, installment lang, tulad ng pagbabayad n'yo sa inutang n'yo para sa dyowa n'yo, hahaha!
Aminadong puro dakdak lang…
GELLI, INAALOK SA PULITIKA, ‘DI RAW KERI, ATRAS
ILANG beses na palang inaalok at kinukumbinse ni Agri Partylist Representative Wilbert “Manoy” Lee ang co-host niya sa GMA-7's public affairs show na Si Manoy ang Ninong Ko na si Gelli de Belen para pasukin na rin ang pulitika para mas marami pang kababayan natin ang matulungan kapag naging public servant na ito.
Pero, tigas sa pagtanggi si Gelli at panay ang iling nang tanungin namin sa mediacon para sa Season 2 ng Si Manoy ang Ninong Ko kung bakit ayaw niyang i-try na maging public servant samantalang ginagawa naman nila ito nina Cong. Wilbert at isa pa nilang co-host na si Patricia Tumulak sa kanilang show.
Katwiran ni Gelli, alam niya ang mabigat na responsibilidad ng pagiging public servant kung saan 24/7 ang serbisyong dapat na ibigay sa tao, na hindi raw niya kayang gawin dahil mas priority niya ang pamilya kesa sa iba pa.
Aminado si Gelli na maboka lang siya at maraming suggestion and comments pagdating sa mga national issues at kung anu-ano pang bagay pero hindi niya kayang i-devote ang sarili sa pagiging public servant.
Susuportahan na lang daw niya ang mga advocacies ni Manoy Wilbert at ng Si Manoy ang Ninong Ko na ngayong Season 2, mas magpo-focus sa mga inspiring stories tungkol sa resiliency, unity at Filipino spirit na bayanihan.
Madaragdag din bilang guest hosts ngayong Season 2 ng Si Manoy ang Ninong Ko si Miss Universe-Philippines 2021 Bea Luigi Gomez at ang Kapuso actress na si Andrea Torres.
Ang nakakatuwa sa ibinalita ni Manoy Wilbert, open daw ang kanilang show sa lahat ng nangangailangan ng tulong dahil ‘ika nga niya, pera rin naman ng bayan ang ipinantutulong nila kaya deserve ng mga kababayan natin na makuha ang serbisyong dapat para sa kanila.
‘Yun nga lang, dahil minsan na rin daw nabiktima ang kanilang mga staff ng mga scammer o nagpapanggap lang na may sakit, mas sisiguraduhin lang daw nila ang mga impormasyon bago maglabas ng tulong para ‘di sila maloko.
So, don't miss Si Manoy ang Ninong Ko now on its new season only on GMA-7 every Sunday, 7 AM nationwide, and 8 AM in Central and Eastern Visayas.
Para naman sa mga gustong humingi ng tulong-medikal at pinansiyal at nang matugunan ng programa, puwede kayong mag-follow at mag-message sa kanilang Facebook account, @SiManoyAngNinongko at sa Instagram at Tiktok ay @AngNinongKo.
“NO turning back” pala ang motto sa buhay ni Kathryn Bernardo lalo na in terms of love.
May napanood kasi kaming video clip sa FB reels kung saan magkasamang tinanong sina Kathryn at Alden Richards kung ia-accept pa ba nila sakaling nag-friend request yata ang kanilang ex-BF/GF.
Ang sagot ni Alden ay “accept” habang “blocked” naman ang mabilis na sagot ni Kathryn dahil past na nga raw, ex na, kaya “X” na rin sa buhay niya at bakit pa nga naman ia-accept?
So, klaro na kaya ito sa ilang fans na gusto pa ring magkabalikan sina Kathryn at Daniel Padilla?
Comments