Init sa 7 lugar, pumalo sa 42ºC - 43ºC

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 3, 2024

Nairehistro ang pitong lugar sa Pilipinas na nasa "danger category" ang heat index, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, at Astronomical Services Administration (Pagasa).
Kapag umabot ito sa 42ºC hanggang 51ºC, itinuturing ng PAGASA na ito’y nasa ilalim na ng "danger category," at nagbabala na maaaring magdulot ito ng heat cramps, heat exhaustion, at maging heat stroke sa mga taong matagal na nakabalandra sa init.
Base sa pinakabagong talaan ng heat index na kinalkula ng PAGASA hanggang alas-5 ng hapon, isang pinakamataas na heat index na 43ºC ang naitala sa mga sumusunod na lugar:
— Dagupan City, Pangasinan
— Dumangas, Iloilo
— Catarman, Northern Samar
Samantala, isang heat index na 42ºC ang naitala sa:
— Sangley Point, Cavite
— Puerto Princesa, Palawan
— Zamboanga City, Zamboanga del Sur
— Cotabato City, Maguindanao
Pinaalalahanan naman ng PAGASA ang publiko na maging maingat at gawin ang mga safety precautions sa mainit na panahon.





Comments