top of page
TEKA NGA - KATHRYN, OBYUS NA WALA NANG GANANG UMARTE-FB Netflix.jpg

Inireklamo sa lipat-pondo ng PhilHealth... Recto, absuwelto sa Ombudsman

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 10
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | June 10, 2026



Recto, absuwelto sa ombudsman

Photo: File / Ralph Recto



Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang mga kasong kriminal at administratibo na isinampa laban kay Executive Secretary Ralph Recto at iba pang mga opisyal kaugnay sa paglilipat ng reserve funds ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa national treasury.


Sa isang resolusyong may petsang Hunyo 2, sinabi ng Ombudsman na walang sapat na prima facie evidence na magpapatunay sa makatwirang posibilidad ng conviction, kaya’t tuluyang naibasura ang mga reklamo laban kay Recto at sa kanyang mga kapwa respondent.


Ang reklamo ay nag-ugat sa mga alegasyong kinukuwestiyon ang legalidad ng paglilipat sa PhilHealth reserve funds, na ayon sa mga kritiko ay maaaring isinagawa nang walang sapat na legal na batayan.


Gayunman, iginiit ng anti-graft body na kulang ang ebidensiyang isinumite upang ituloy ang mga kaso.


Ayon sa resolusyon, nabigo ang mga complainant na maglahad ng sapat na ebidensya upang suportahan ang mga kasong kriminal at administratibo.


Binigyang-diin ng Ombudsman na ang simpleng alegasyon lamang, kung walang matibay na patunay, ay hindi sapat upang makapaglabas ng probable cause.


Dahil sa pagkakabasura ng kaso, tuluyang inalis ang lahat ng kaugnay na reklamo laban kay Recto at sa iba pang mga opisyal na sangkot.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page