top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Inilaga at kinain ang itlog ng ibon

BULGAR
Oct 17, 2021
2 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 17, 2021



Analisahin natin ang pansginip na ipinadala ni Manny ng Roxas City.


Dear Maestra,


Isa akong hardinero sa beach resort na malapit sa lugar namin at nagbabalak na akong magpakasal. Napanaginipan ko na nakakita ako ng pugad ng ibon sa malaki at malabay na puno na malapit sa garden na winawalisan ko tuwing umaga. Inakyat ko ‘yung puno, tapos tiningnan ko kung marami nang itlog sa pugad. Buti na lang, wala ‘yung ibon na nangingitlog doon at kinuha ko ‘yung itlog ng ibon, tapos inilaga at kinain ko ito. Masarap ‘yung itlog, nasiyahan at nabusog ako pagkatapos kumain. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Manny



Sa iyo, Manny,


Ang ibig sabihin ng garden na winawalisan mo tuwing umaga na siyang trabaho mo sa pagiging hardinero ay nagpapahiwatig na marami kang gagawin na kapaki-pakinabang na proyekto sa beach resort na pinagtatrabahuhan mo. Pagagandahin mo nang todo ang garden sa utos na rin ng boss mo at magdudulot ito ng kaligayahan sa bawat taong pumupunta sa beach. Lalo silang masisiyahan sa pamamasyal at pagsu-swimming doon.


‘Yun namang malaki at malabay na puno, ito ay nagpapahiwatig na pagpapalain ka balang-araw. Yayaman at giginhawa ka sa buhay.


Ang sabi mo ay umakyat ka sa puno, ang ibig sabihin nito ay hindi masyadong madali ang paraan upang guminhawa sa buhay. Dadaan ka muna sa pagsasakripisyo at pagtitiyaga bago makamit ang kaginhawahan.


Samantala, ‘yung mga itlog na nakita mo sa pugad na iyong kinuha at iniluto ay nagpapahiwatig ng kaligayahan sa buhay may asawa. Kung binabalak mo nang magpakasal, magiging masaya ang pagsasama ninyo ng magiging asawa mo. Mapupuspos ito ng kaligayahan at bibiyayaan kayo ng malulusog na anak.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page