Search
  • BULGAR

Iniisip na mababagsakan ng kisame… ELLEN, UMAMING NAGKULONG SA BANYO DAHIL TAKOT NA TAKOT MAMATAY

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | January 12, 2021




Tatlong taon (2017-2020) ding nag-lie-low si Ellen Adarna sa showbiz at sa loob ng mga panahong ‘yun na inakala natin na sobrang happy siya and in love with John Lloyd Cruz, ‘yun pala ay dumadaan siya sa mabibigat na pagsubok.


Sa kanyang exclusive interview sa Preview.ph bilang January cover story, ikinuwento ni Ellen ang mga pinagdaanan na naging sanhi ng kanyang stress at depresyon.


“It took two years for me to heal,” aniya sa panayam. “I really went on a downward spiral. I really lost it.”


Unang-una ay naging mahirap daw ang kanyang pagbubuntis, na sinundan pa ng pagyao ng kanyang ama noong June, 2018, ilang linggo bago siya nanganak.


After she gave birth ay nagkaroon naman siya ng post-partum depression habang nagluluksa pa siya sa pagyao ng ama. And that time ay on-the-rocks na rin pala ang relasyon nila ni Lloydie.


“It was just really darkness and negativity. [There would be times when] the bathroom was my security blanket. Siguro in a day, tatambay ako sa banyo for three hours, just to be away, because it was in the bathroom that I felt safe,” pagri-recall ni Ellen.


Bukod dito, bilang isang bagong ina, nagkaroon pa raw siya ng takot na baka bigla na lang siyang mamatay. Kapag nakahiga raw siya sa kama, nai-imagine niyang babagsak ang kisame sa kanya.


Nahirapan din daw siyang sumakay sa kotse or taxi dahil natatakot siyang baka maaksidente siya or baka biglang mawalan ng break ang sasakyan at minsan pa nga raw, habang nasa taxi siya sa Japan ay umiiyak siya dahil iniisip niyang sasabog ang sasakyan.


Hanggang sa may nag-refer na nga sa kanya ng tungkol sa KoKoro Program sa Bali, Indonesia. Matatandaang ipinost pa ni Ellen sa kanyang Instagram account ang mga pinagdaanan niya sa nasabing training, at dito na nga siya unti-unting bumalik sa normal.


“Now I’m in a very good place. I can say I’m 100% okay. I feel my environment changed,” she said.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.