top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Inggit sa bff na maganda, mayaman at maraming manliligaw, babala na magiging karibal

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 16, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | March 16, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lourdes ng Taguig.


Dear Maestra,


Magandang araw sa inyo.


Napanaginipan ko na inggit na inggit ako sa best friend ko dahil bukod sa maganda ay mayaman pa siya at maraming lalaki ang nag-uunahang maging dyowa niya. Pero sa kabilang dako, mayroon din akong mga kaibigan na naiinggit sa akin dahil matalino ako at maganda sa kanilang paningin. Gayunman, hindi ko sila pinapansin.


Ano ang ibig sabihin ng psnaginip ko?

Naghihintay,

Lourdes


Sa iyo, Lourdes,


Ang panaginip mo na inggit na inggit ka sa best friend mo dahil sa bukod sa maganda at mayaman siya, marami ring lalaki na nag-uunahang maging dyowa niya ay nagpapahiwatig na magiging karibal mo siya sa pagmamahal ng karelasyon mo. Gayunman, ikaw pa rin ang magtatagumpay dahil hindi niya maaakit ang karelasyon mo, gaanuman katindi ang pang-aakit niya.


Samantala, ang ibig sabihin ng marami ring naiinggit sa iyo dahil matalino at maganda ka sa paningin nila ay hahangaan ka at kikilalanin ng mga taong nakapaligid sa iyo saan ka man pumunta. Marami kang magiging tagahanga at manliligaw kahit mayroon ka nang karelasyon sa kasalukuyan.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page