Information minister ng Lebanon, nag-resign sa puwesto
- BULGAR

- Aug 9, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | August 9, 2020

Inanunsiyo ng Information minister ng Lebanon na si Manal Abdel Samad ang kaniyang pag-resign matapos ang pagprotesta ng mga tao sa nangyaring pagsabog sa Beirut na ikinamatay ng halos 150 katao.
Aniya, “After the enormous disaster in Beirut, I present my resignation from the government. I apologize to the Lebanese, we were unable to meet their expectations”
Pinigilan na ng mga pulis ang libu-libong nagpoprotesta sa Beirut at ginamitan na ng tear gas upang tumigil.
Ayon sa Lebanese Red Cross, 65 ang dinala sa ospital at 185 ang ginamot mismo sa pinangyarihan ng insidente. Dagdag pa ng AFP, isang pulis ang nasawi dahil sa pagprotesta ng mga tao.
Samantala, maglalabas naman ang prime minister ng Lebanon ng legislation para sa mas maagang botohan. Sinisisi umano ng mga nagpoprotesta ang nangyaring pagsabog sa gobyerno na ikinamatay ng halos 150 katao at libu-libo ang nasugatan.
Sinabi naman ng mga opisyal na ang dahilan ng pagsabog sa Beirut ay dahil sa 2,750 tons ng ammonium nitrate na naimbak ng matagal na panahon sa isang warehouse.





Comments