top of page

Inflation pumalo sa 3.4% nu'ng Pebrero — PSA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 5, 2024
  • 1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 5, 2024





Pumalo ang inflation sa 3.4% sa bansa at lumobo ang presyo ng pagkain, transportasyon, at mga utilidad nu'ng Pebrero, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Martes.


Sa isang press briefing, sinabi ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa na ang inflation — na sumusukat sa rate ng pagtaas ng presyo ng mga kalakal at serbisyo — ay bumilis sa 3.4% nu'ng Pebrero 2024, mas mabilis kumpara sa 2.8% na rate nu'ng Enero.


Magugunitang apat na buwang sunod-sunod ang naging pagbagal ng inflation magmula nu'ng Oktubre ng nakaraang taon hanggang Enero 2024.


Ang inflation rate sa kasalukuyan ay umabot sa 3.1%, na pasok sa 2% hanggang 4% na ceiling ng pamahalaan.


Nasa loob din ng forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 2.8% hanggang 3.6% ang inflation rate nu'ng Pebrero.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page