Search
  • BULGAR

Indoor plants na nakalilinis ng oxygen, alamin!

ni Thea Janica Teh | June 28, 2020




Dahil sa kumakalat na virus sa ating bansa, mainam na mapanatili nating malinis ang ating kapaligiran at protektahan ang ating kalusugan.


Isa sa mga kinaaadikan ng mga momshies, popshies, titos at titas ang pagtatanim ng halaman na puwedeng puwede kahit nasa loob ng bahay. Nakatutulong ito sa paglinis ng oxygen at stress reliever na rin.


Kaya naman mga plantitas and plantitos, ito ang ilan sa mga halaman na maaari nating i-display sa loob ng bahay na makatutulong sa relaxation at natural air filters:

  1. Ficus (Ficus Elastica)- Madali lang itong alagaan dahil hindi nito kailangan ng sunlight. Ngunit, paalala na huwag kakainin ang dahon dahil maaari itong maging poisonous.

  2. Snake Plant (Sansevieria trifasciata)- Ayon sa NASA, ito ang pinaka-effective pagdating sa pag-absorb ng airborne toxins tulad ng nitrogen oxide, formaldehyde, xylene benzene at marami pang iba.

  3. Spider Plant (Chlorophytum comosum)- Kaya nitong i-absorb ang mga toxin tulad ng carbon monoxide, styrene at kahit ang gasoline.

  4. English Ivy (Hedera Helix)- Kaya nitong matanggal ang halos 58% feces particles at 60% toxin sa hangin sa loob lamang ng 6 oras.

  5. Peace lily (Spathiphyllum)- Kaya nitong salain ang trichloroethylene, formaldehyde, toluene, xylene, benzene at ammonia mula sa hangin.


Maganda talaga na may halaman sa loob ng bahay dahil bukod sa magandang i-display, mabuti rin ito sa ating physical at mental health.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.