Indonesia, tinalo ang ‘Pinas sa dami ng may COVID-19
- BULGAR

- Oct 15, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | October 15, 2020

Naungusan ng Indonesia ang Pilipinas sa dami ng bilang ng may COVID-19.
Ayon sa ulat, nakapagtala ng kabuuang 349,160 kaso ang tinamaan ng COVID-19 sa Indonesia at nai-report ding may pinakamaraming bilang ng infected ng virus sa Southeast Asia.
Gayundin, nakapagtala ang Indonesia ng bagong 112 namatay ngayong Huwebes na umabot sa 12,268 nasawi dahil sa Coronavirus.
Samantala, naiulat na ang Pilipinas ay may 348,698 cases, 6,497 ang namatay at 294,161 ang nakarekober sa COVID-19.





Comments