top of page
Pokwang.jpg

Indiscriminate firing, ‘wag naman sanang dumagdag pa sa pandemya

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 27, 2020
1 min read

@Editorial | December 27, 2020



Inaalam na ng mga awtoridad kung sino ang responsable sa pagpapaputok ng baril sa General Santos City, na sinasabing unang kaso ng ligaw na bala.


Tinitingnan na umano ang trajectory ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril. Kung ito ay nanggaling sa lisensiyadong armas, madali itong matutunton.


Napag-alamang hindi na naglagay ng masking tape sa mga baril ang pulisya ng lungsod dahil ilang taon na umanong walang kaso ng indiscriminate firing sa lungsod.


Kinumpirma naman ng opisyal na walang tinamaan sa nasabing ligaw na bala.


Palaging ipinaaalala ng mga awtoridad lalo na ‘pag papalapit na ang pagsalubong sa Bagong Taon na huwag magpapaputok ng baril kung hindi kinakailangan. Gayunman, sadyang may mga matitigas ang ulo na walang pakialam, basta mapairal ang kayabangan o biglang nawawala sa katinuan.


Sana naman ay huwag nang dumagdag itong mga pasaway. Pinipilit na nating mairaos ang 2020 nang hindi na dumaranas ng panibagong problema.


Pakiusap din natin sa mga nasa gobyerno, dahil hindi naman kontrolado ang utak ng mga taong may baril, ihanda na rin ang mas mabigat na parusa laban sa kanila. Tama na ‘yung taun-taon na may nabibiktima ng walang habas na pagpapaputok ng baril. Salubungin naman natin ang Bagong Taon nang mapayapa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page