INC at MNLF sa BBM-Sara, Katoliko at MILF sa Leni-Kiko, kampihan na!
- BULGAR
- May 5, 2022
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 5, 2022
MGA NAMBA-BASH SA CATHOLIC CHURCH, NANAHIMIK NANG IENDORSO NG INC ANG BBM-SARA – Nang iendorso ng Catholic Church ang tandem na Leni Robredo-Kiko Pangilinan ay binatikos ng mga loyalista at DDS (Duterte Diehard Supporters) ang Simbahang Katoliko at sinabi na dapat daw ay ipinaiiral ang "separation of church and state".
Pero nang iendorso ng kapatiran ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang kandidatura ng Bongbong Marcos-Sara Duterte ay nagbunyi ang mga loyalista at DDS, boom!
◘◘◘
INC SA BBM-SARA, KATOLIKO SA LENI-SARA – Ngayong eleksyon ay hindi lang labanan ng mga pulitiko, kasi maituturing na rin itong labanan ng mga relihiyon.
Matapos kasing iendorso ng INC ang BBM-Sara tandem, ay nagpa-presscon ang mga bishops at pari at nagpahayag uli ng suporta sa kandidatura ng Leni-Kiko tandem, period!
◘◘◘
MILF KAMPI KAY LENI, MNLF KAMPI SA BBM-SARA – Maging ang mga armadong puwersa sa Mindanao ay may mga manok din sa presidential election.
Matapos kasing iendorso ng MILF (Moro Islamic Liberation Front) ang kandidatura ni Leni Robredo, ay nagpahayag naman ng suporta sa kandidatura ng BBM-Sara tandem ang Moro National Liberation Front (MNLF), boom!
◘◘◘
KUNG MAY POKWANG ANG LENI-KIKO TANDEM, MAY AI AI DELAS ALAS ANG BBM-SARA TANDEM – Kung may komedyanteng Pokwang na nakasuporta sa Leni-Kiko tandem, ay may Ai Ai delas Alas naman na nakasuporta sa BBM-Sara tandem.
Talagang masaya ang eleksyon ngayon, kasi pati mga komedyante ay may kanya-kanyang manok sa presidential election, period!





Comments