Importante raw ang role… Hindi ekonomista si Dawn Zulueta, period!
- BULGAR
- Jan 24, 2023
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Enero 24, 2023
DAWN ZULUETA, EKONOMISTA NA BA KAYA KASAMA NI P-BBM SA WORLD ECONOMIC FORUM SA SWITZERLAND?—Sabi ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., importante ang role ng higit 70 kataong isinama niya sa World Economic Forum (WEF) sa Switzerland.
Aba'y importante pala ang role sa WEF ng aktres na si Dawn Zulueta.
Eh, kailan ba siya naging ekonomista?
◘◘◘
IMPOSIBLENG MAUNLAD ANG EKONOMIYA NG PILIPINAS KASI BAON ITO SA UTANG AT MATAAS PA RIN ANG PRESYO NG MGA BILIHIN AT BAYARIN—Ibinida ni P-BBM sa WEF na Pilipinas ang may pinakamagandang ekonomiya sa buong Asya.
Sa totoo lang, mahirap paniwalaan ang sinabi ni P-BBM na maunlad ang ekonomiya ng bansa kasi bukod sa baon sa utang ay mataas pa rin ng presyo ng mga bilihin at bayarin.
◘◘◘
KUNG SINSERO SI SEN. TOLENTINO, SIYA ANG MAGKASO SA MGA BUWAYA SA DEPED AT PS-DBM—Inirekomenda ni Sen. Francis Tolentino, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na sampahan ng kasong plunder ang mga opisyal ng Department of Education (DepEd) at Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) na sangkot sa multi-billion peso scam sa pagbili ng overpriced na mga laptop.
Inirekomenda, eh paano kung walang pumatol sa rekomendasyon niya?
Kung sinsero si Sen. Tolentino, hindi dapat rekomendasyon, kundi mismong siya na ang magsampa ng kasong plunder para makulong ang mga kurakot sa DepEd at PS-PS-DBM.
◘◘◘
HUWAG ILUSOT, DAPAT SAMPAHAN NG KASONG PLUNDER SI EX-DEPED SEC. LEONOR BRIONES—Hindi isinama ni Sen. Tolentino si former DepEd Sec. Leonor Briones sa mga dapat kasuhan ng plunder.
Hay naku, imbes na si Briones ang numero uno sa talaan kasi siya ang head ng DepEd sa panahong naganap ang katiwalian, eh ilulusot pa sa kaso.





Comments