top of page

Importaasyon ng mga ibon at poultry products, stop

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 14, 2024
  • 2 min read

ni Ryan Sison @Boses | June 14, 2024



Boses by Ryan Sison


Bawal na muna ang importasyon ng mga ibon at poultry products mula sa Michigan, USA.  


Ayon sa Department of Agriculture (DA) ito ay dahil ang mga nasabing hayop sa kanilang lugar ay nagpositibo sa H5N1 subtype ng Highly Pathogenic Avian Influenza.


Batay sa Memorandum Order 24 ng DA, agad na isinuspinde ang domestic at wild birds importation at mga produktong mula rito gaya ng poultry meat, day-old chicks, itlog, at semen na galing sa Michigan.


Gayundin, ipinatigil ng kagawaran ang pagpapalabas ng bagong sanitary at phytosanitary permits ng Bureau of Animal Industry (BA) para sa animal at product imports mula sa nabanggit na bansa.


Ayon kay DA Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., nagdesisyon silang agad na ipagbawal ang pagpapapasok sa bansa ng mga nasabing produkto mula sa Michigan upang maingatan ang ating mga local poultry products.


Mabuti ang ginawang pag-aksyon agad ng pamahalaan na i-ban pansamantala ang pag-import ng bird at poultry products na nanggaling sa nabanggit na bansa.


Maaari kasing mahawa ang ating mga poultry animal sa sakit na nakuha ng kanilang mga ibon at mga katulad nito at talagang makakaapekto sa atin nang husto.


Walang iniwan iyan sa contagious disease sa mga tao, kung saan naranasan na natin noong panahon ng pandemya, dahil kapag nakapasok ang mga nagpositibong hayop sa tinatawag na bird flu sa ating bansa ay siguradong tatamaan din ang ating mga alagang hayop  habang hindi maglalaon ay kakalat na ang virus sa maraming lugar.


Sana, ganyan lagi ang gawin ng kinauukulan, ang protektahan ang ating local poultry products habang tiyakin nilang hindi makakapasok ang mga nasabing hayop sa ating bansa.

 

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page