top of page
Search
  • BULGAR

Impersonator ni Nora… ATE GAY, NAOSPITAL, INULAN NG TULONG NG MGA CELEBS

Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | April 11, 2021




Abut-abot ang pasasalamat ng comedian na si Ate Gay (Gil Morales) sa mga kapwa artistang nagpadala ng tulong sa kanya.


Kasalukuyang nasa ospital si Ate Gay at nag-post siya sa FB ng update sa kanyang kalagayan.


Hindi naman siya nanghihingi ng ayuda at tulong-pinansiyal, pero kusang nagpadala sa kanya ang mga kapwa komedyante tulad nina Paolo Ballesteros, Jon Santos at Vice Ganda.


Muli, napatunayan ni Ate Gay na sa panahon ng pangangailangan, marami pa rin ang may magagandang puso na handang tumulong at dumamay sa kapwa.


Si Ate Gay ay sumikat sa showbiz dahil sa kanyang pag-i-impersonate sa Superstar na si Nora Aunor. Kuhang-kuha niya ang timbre ng boses ni La Aunor kaya maraming Noranians ang natutuwa sa kanya.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page