top of page
Search

Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | April 15, 2021



ree

Dumayo pa sa simbahan ng Our Lady of Manaoag sa Pangasinan si dating Senador Jinggoy Estrada upang ipanalangin-hilingin sa Birhen ng Manaoag ang tuluyang paggaling ng kanyang amang si ex-Pres. Joseph Estrada na na-ICU pa dahil sa COVID-19.


Malaki ang paniniwala ng pamilya Estrada sa Birhen ng Manaoag na dinarayo ng mga taong maysakit, ganu'n din 'yung may mga espesyal na kahilingan sa buhay.


Si dating Sen. Jinggoy ang nakatutok at nakasubaybay sa health condition ng kanyang amang si Erap. At siya rin ang nag-a-update sa latest medical bulletin ng kanyang ama na naka-confine pa ngayon sa ospital.


Bumaha ng dasal para sa kaligtasan at paggaling ng dating Pangulong Joseph Estrada mula sa mga bumubuo sa movie industry at sa kanyang mga loyal fans and supporters. Kaya, unti-unti na itong lumalakas at nakaka-recover ngayon.

 
 

CAREER


Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | April 14, 2021



BLIND ITEM:


Marami ang labis na nagtataka kung bakit sa kabila ng kanyang malaking kayamanan na naipundar ay hindi magawang tulungan nang lubos ng guwapong aktor ang kapatid niyang dating sikat na aktor.


Alam naman ng rich na aktor na dumalang ang raket ng kapatid bago pa nagkaroon ng COVID pandemic sa 'Pinas. Matagal na natengga ang career ng dating sikat na aktor kaya kinakapos sa aspetong pinansiyal.


Although, may mga nagsasabing ang super rich na aktor naman daw ang nagbabayad sa upa ng bahay na tinitirhan ngayon ng kapatid niyang aktor nang nawalan ito ng trabaho. Pero, kung tutuusin ay kulang pa rin ang nasabing tulong at barya-barya lang ito sa kanyang yaman ngayon.


Nakabili na ang super rich na aktor ng malawak na farm at may iba pa siyang properties na nabili. Napakarami rin niyang collection ng mamahaling sasakyan, samantalang ang kapatid niyang aktor ay lumang kotse ang gamit.

May mga posts pa ang dating sikat na aktor na nagpapasalamat sa mga taong nagpapadala sa kanya ng ayuda tulad ng gulay, prutas, lutong ulam, atbp..


Kaya may ilang nag-comment na puwede namang ang rich na aktor na mismo ang magbigay ng ayuda atbp. pangangailangan ng kanyang jobless na kapatid. Huwag na niyang hintayin na diretsahan pang manghingi sa kanya ang kapatid na nawalan ng career.


Sabi tuloy ng ilan nilang kaibigan, kung buhay pa ang kanilang nanay ngayon, tiyak na malulungkot sa sinapit ng kanyang anak na wala nang career, natitiis pa ng mayamang kapatid na sobra-sobra ang yaman.


May lahing boksingero ang super rich na actor at laging nakakuyom ang palad. Ayaw bawasan ang kanyang kayamanan at i-share sa mga kapatid at kamag-anak. Napakasuwerte nga ng rich actor dahil milyonaryo na, may career pa.





 
 

Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | April 13, 2021



ree

Kahit lumaki at nagkaisip si KC Concepcion na malayo sa piling ng kanyang amang si Gabby Concepcion, hindi ito kailanman nagtampo at nagtanim ng sama ng loob. Ang mga childhood memories na kasama niya ang kanyang Daddy Gabby ay nakatago sa kanyang puso na lagi niyang binabalik-balikan sa kanyang alaala.


Kaya naman ngayon na nag-mature na siya ay tine-treasure ni KC ang bawat sandali na nakaka- bonding ang kanyang Daddy Gabby. At nito ngang nag-celebrate ng kanyang kaarawan si KC last April 7, pinili niyang sa resort ng ama sa Batangas mamalagi. Muli ay nag-bonding silang mag-ama kasama ang mga anak ni Gabby sa bagong karelasyon.


Sa isang post ni KC sa kanyang Instagram, binanggit niya na sobra siyang masaya at nakaramdam ng tunay na pagmamahal nang makasama ang kanyang ama. Kahit daw maraming taon na nagkulang ang kanyang daddy sa kanya noong growing up years niya, bumabawi naman ito ngayon sa kanya. Kaya naging memorable at masaya ang kanyang kaarawan kahit simple at walang bonggang birthday party.


Certified daddy's girl si KC Concepcion. Hindi naman siguro mamasamain ni Megastar Sharon Cuneta kung mas pinili ni KC na mag-b-day sa Batangas kasama ang kanyang Daddy Gabby.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page