Impeachment ni VP Sara, start sa July 6
- BULGAR

- 10 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | May 22, 2026

Photo: Inday Sara Duterte - FB
Posibleng simulan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Hulyo 6, ilang linggo bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“Nagbigay na po ng schedule kahapon, nagpatawag po ng caucus po of all members si SP Cayetano at July 6 po ang umpisa nu'ng 'ika nga impeachment trial,” ayon kay Senador
Erwin Tulfo sa isang panayam sa kahapon.
Matatandaang binigyan ang Bise Presidente ng 10 araw para sagutin ang mga nakasaad sa Articles of Impeachment.
“After po magbigay ng 10 days sa kampo po ni VP Sara ng 10 days, kailangan po sumagot din po ‘yung prosecution, 5 calendar days. At pagkatapos we will move on na po sa mga pre-trial. Ito po ‘yung mga marking of the pieces of evidence na matatanggap, statements, etc etc,” ani Tulfo sa hiwalay na panayam.





Comments