top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Immigration, todo-higpit sa Pinoy travelers, pero dedma sa mga fixer, pwe!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 20, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | March 20, 2023



Immigration, todo-higpit sa Pinoy travelers, pero dedma sa mga fixer, pwe!

HUSTISYA LANG ANG HINIHINGI NG PAMILYA NG EJK VICTIMS, TAPOS SI SEN. BATO, GUSTO NANG MAKIPAGIYERA SA MGA BANSANG AARESTO SA KANILA NI EX-P-DUTERTE—Nagbabala si Senator, former Philippine National Police (PNP) Ronald ‘Bato’ dela Rosa na dadanak ng dugo dahil gigiyerahin daw ng Philippine government ang mga bansang magpapatupad ng pag-aresto sa kanya at kay former Pres. Duterte kapag nagpalabas ng warrant of arrest laban sa kanila ang International Criminal Court (ICC) kaugnay sa kasong crimes against humanity, na may kinalaman sa EJK o extrajudicial killing sa Duterte administration.


Pambihirang pag-iisip ‘yan, hustisya lang naman ang hinihingi ng mga pamilya ng libu-libong biktima ng EJK, pero pakikipaggiyera na sa ibang bansa ang nasa utak ni Sen. ‘Bato’. Tsk!


◘◘◘


BUKOD SA ILLEGAL DRUGS, DAPAT ISAMA NI SEC. ABALOS ANG ILLEGAL GAMBLING SA DAPAT MAPUKSA SA MGA BARANGAY—Nanawagan si Sec. Benhur Abalos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga barangay officials na tulungan ang national government na mapuksa ang ilegal na droga sa mga barangay.


Aba, teka, bakit pagpuksa lang sa illegal drugs sa mga barangay ang nais mangyari ni Sec. Abalos? Sana, isinama niyang puksain ang lahat ng illegal gambling dahil tulad ng ilegal na droga, bad din ang mga pasugalan at maraming nabibiktima ang mga gambling lords sa raket nilang ilegal na pasugalan sa mga barangay, period!


◘◘◘


BAD ANG ILLEGAL GAMBLING DAHIL SOURCE ITO NG KORUPSYON, NAMBIBIKTIMA NG MGA MANANAYA AT ‘DI NAGBABAYAD NG TAX — May tatlong dahilan kaya dapat mapuksa ang mga illegal gambling na ino-operate ng mga ilegalista sa bansa.


Una, source ito ng korupsyon; pangalawa, garapalang nabibiktima sa raket na illegal gambling ang mga mananayang nalululong sa sugal; at pangatlo, dahil ilegal ay hindi nagbabayad ng buwis sa gobyerno ang mga illegal gambling lords. Boom!


◘◘◘


BUREAU OF IMMIGRATION, ANG HIGPIT SA MAMAMAYANG LALABAS NG BANSA, PERO ANG LUWAG SA MGA BIGTIME FIXERS—Dahil sa sobrang dami ng pagkuwestiyon at haba ng interview ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na nakabase sa airport – kung saan hinahanap pa ang yearbook kung kailan grumadweyt ang isang Filipina traveler na patungong Israel – hindi agad nakaalis ang naturang traveler dahil naiwan ito ng eroplano, na dahilan upang madoble ang gastos sa pagbili ng ticket para makaalis ng bansa.


‘Yan ang Bureau of Immigration (BI) sa ‘Pinas, sobrang higpit sa mamamayang lalabas ng bansa, pero ang luwag-luwag sa mga bigtime fixer tulad nina alyas ‘Betty’ at ‘Anna’ na naglalabas-pasok sa tanggapan ng Immigration. Mga pwe!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page