Imbes na ipinamigay na lang, ibinenta pa sa Kadiwa ang nakumpiska na sibuyas
- BULGAR
- Dec 6, 2022
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 6, 2022
PORK BARREL ANG ILAGAY SA MAHARLIKA INVESTMENT FUND, HINDI PONDO SA GSIS AT SSS MEMBERS—Patuloy na dumarami ang mga sektor na bumabatikos kay Pres. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. dahil sa isinusulong niyang Maharlika Wealth Investment Fund dahil ayaw ng majority Pinoys na pati ang pondo sa Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) ay i-invest ng pamahalaan.
Ultimo ang ate ni P-BBM na si Sen. Imee Marcos ay tutol pakialaman ng pamahalaan ang pondo sa GSIS at SSS.
Ngayon, kung nais ni P-BBM matigil na ang pambabatikos, mainam kung huwag niyang pakialaman ang pondo ng GSIS at SSS, mas okay pa kung ang pork barrel na lang ang ilaan para riyan.
◘◘◘
KUMPISKADONG SIBUYAS, IPAMIGAY NA LANG KAYSA IBENTA SA KADIWA—Nais umano ng Department of Agriculture na ibenta sa Kadiwa store ang mga nakumpiskang sibuyas ng Customs.
Pambihira, kumpiskado na ang mga ‘yan, pero imbes na ipamigay sa mahihirap ay ibebenta pa sa mga Kadiwa store.
◘◘◘
30% PAMILYANG PINOY GUMINHAWA ANG BUHAY SA ADMINISTRASYON NI P-BBM—Sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS) ay inanunsyo nitong 30% ng pamilyang Pilipino ang nagsabing guminhawa ang kanilang pamumuhay ngayon kumpara sa nakalipas na mga taon.
Kumbaga, parang sinabi ng SWS na ang 30% ng pamilyang Pinoy na nakaranas ng paghihirap sa panahon ni ex-P-Duterte ay guminhawa ang pamumuhay sa panahon ni P-BBM.





Comments