top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Imbes na bumaba, P20 per kilo kuno… Presyo ng bigas, mas tataas pa

BULGAR
Jun 10, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 10, 2022


MALABONG MANGYARI ANG P20 PER KILO NG BIGAS–Nagbabala ang Department of Agriculture (DA) na posibleng tumaas o madagdagan pa ng P6 ang presyo ng per kilo ng bigas dahil sa sobrang mahal na presyo ng langis at fertilizer.


Ang pinakamurang bigas ngayon na karaniwang binibili ng mahihirap nating kababayan ay NFA rice na P27 per kilo, kaya’t kung madaragdagan ito ng P6 ay magiging P33 na ang per kilo ng NFA rice.


Dahil d’yan, tila malabong mangyari ang pramis ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na gagawin niyang P20 per kilo ang presyo ng bigas, boom!


◘◘◘


HINDI DAPAT BIGYAN NG PUWESTO NI P-BBM ANG NAGPAYO SA KANYA NA IBIDA SA KAMPANYA ANG P20 PER KILO NG BIGAS–Kung sinuman ang nagpayo kay P-BBM na ibida sa publiko na gagawin niyang P20 per kilo ng bigas ay huwag niya itong bigyan ng posisyon sa kanyang pamahalaan kasi baka ipahamak lang siya nito.


Kung walang nagpayo ng ganyan kay P-BBM, hindi sana pinag-uusapan ngayon ang P20 per kilo ng bigas, kaya lang naipangako na nga kaya kita n’yo ang nangyari, halos araw-araw na lang ay P20 per kilo ng bigas ang laman ng social media — at ito ang inaabangan ng mamamayan na mangyayari sa unang 100-days ni P-BBM sa puwesto.


Paano kung hindi ito mangyari? Nakupo, asahan nang batikos ang aabutin ng Marcos gov’t., tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


MAY NAGBABADYANG KRISIS SA TRANSPORTASYON SA ‘PINAS–Sa sobrang mahal ng per litro ng gasolina at diesel, ang mga kababayan nating may sasakyan ay nagko-commute na lang at dahil d’yan ay dumoble na ang dami ng mga pasahero, pahirapan na ang pagsakay ngayon sa mga public transport, tulad ng pampasaherong jeep at bus.


Ang masaklap, dahil sobrang mahal na ang presyo ng krudo, wala nang kinikita ang mga jeepney drivers kaya’t nagbabala sila na sila’y magtitigil-pasada na lang.


Ang tanging solusyon na lang talaga ay suspendehin na ni P-Duterte ang excise tax sa langis kasi kung hindi niya ito gagawin ay asahan ang mangyayaring krisis sa transportasyon sa bansa na tiyak makakaapekto sa ekonomiya ng Pilipinas at sa pamumuhay ng mga Pinoy, period!


◘◘◘


PANELO, FEELING SENADOR NA SA JULY 1, 2022–Sa July 1, 2022, kahit talunan sa pagka-senador si Atty. Salvador Panelo ay makapagpi-feeling senador siya dahil kinuha siyang legal adviser ni Senator-elect Robin Padilla.


Makapagpi-feeling senador kasi makapaglalabas-pasok siya sa Senado at siya ang gagawa ng mga panukalang-batas na dapat trabaho ni Padilla bilang mambabatas, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page