Iloilo Provincial Capitol, sarado simula August 3
- BULGAR

- Aug 2, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | August 2, 2020

Isasara ang Iloilo Provincial Capitol simula August 3 hanggang August 4 matapos na magpositibo sa test sa coronavirus ang isang personnel nito, ayon kay Gov. Arthur Defensor Jr.
Nagsasagawa na ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng personnel at pinayuhan ang lahat ng empleyado ng kapitolyo na bawasan ang kanilang galaw dahil sa posibleng pagkalat ng virus.
Gayundin, ang mga naging closed contact ng naturang personnel ay isasailalim sa testing at uunahing suriin base sa classification nitong high-, medium- at low-risk contacts.
Sa ngayon, nasa isang quarantine facility na ang personnel at siya ay asymptomatic.
Total disinfection ang isasagawa sa buong gusali ng kapitolyo at sa Casa Real habang nasa two-day closure ito.
Sa August 5, papayagan ang pagbubukas, kung saan iaanunsiyo sa Martes ng gabi ang listahan ng mga opisinang balik-operasyon.





Comments